^

Metro

Holdaper bulagta sa miyembro ng SAF

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Minalas ang   isa sa tatlong holdaper ng pampasaherong dyip nang makasakay nila ang isang miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) na naging dahilan ng pagkakabaril at pagkamatay  nito, habang ang dalawang kasamahan ay nakatakas kahapon ng madaling araw sa Ermita, Maynila.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasawing suspect na inilarawan sa  edad na 30 hanggang 35,  may taas na 5’6’’ hanggang 5’7’’, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng   kulay green na t-shirt, six-pocket shortpants at itim na tsinelas. Narekober sa kanya ang patalim na ipinantutok sa mga pasahero sa isinagawang holdap.

Nakatakas naman ang dalawa nitong kasamahan na armado rin ng patalim at baril. Dakong ala-1:00 ng madaling araw  nang maganap ang insidente sa loob ng pampasaherong jeep (TWA-333) na minamaneho ni Leonardo Espinosa at bumabaybay sa Lagusnilad sa tapat ng  Manila City Hall, Ermita Maynila.

Nabatid na sakay din sa jeep si PO1 Rhenel Rue, 29, ng PNP-SAF at residente ng Tamacan, Amadeo, Cavite nang maganap ang holdapan.

Sa pagkakataong iyon, hindi nagdalawang-isip si PO1 Rue at nagpakilalang pulis na sumita sa tatlo, subalit inundayan ito ng saksak ng nasawing suspect. Mabilis namang nakailag ang pulis na napilitang paputukan ang suspect. Dahil sa pagbu­lagta ng kasamahan, nagsitalon naman mula sa dyip ang dalawa pang kasamahan nito at tumakas. 

AMADEO

CAVITE

DAHIL

ERMITA MAYNILA

LEONARDO ESPINOSA

MANILA CITY HALL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RHENEL RUE

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with