Graft case vs Echiverri ibinasura ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Ibinasura ng Ombudsman ang isa pang graft case laban kay Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri na isinampa ni Vice Mayor Edgar Erice.
Sa resolusyon noong Hunyo 11, 2012, dinismis ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales ang criminal at administrative cases na inihain ni Erice laban kay Echiverri dahil sa umano’y pagpasok sa isang ‘irregular at disadvantageous’ Memorandum of Agreement (MOA) sa Gotesco Investments Inc. kaugnay ng bentahan ng property kung saan nakatayo ang nasunog na Grand Central Mall.
Ayon sa Ombudsman, nabigo si Erice na magpakita ng konkreto at kumbinsidong ebidensiya laban kay Echiverri.
Paliwanag ni Morales, dahil sa kakulangan ng ‘probable cause’ para madiin ang alkalde sa kaso, malinaw na absuwelto rin si Jose C. Go,” Presidente ng Gotesco Investments, Inc., na kasamang kinasuhan ni Erice.
Dinismis ng Ombudsman ang katwiran ni Erice na wala umanong legal na kapangyarihan si Echiverri mula sa Caloocan City Council upang pumasok sa isang MOA sa Gotesco Investments kaugnay ng pagbebenta ng naturang property.
Dagdag pa ng anti-graft agency na layunin lamang ng MOA na mabawi ang ‘purchase price’ ng ‘sale transaction’ sa pagitan ng City Government at ng Gotesco na matutunton noon pang panahon ni Mayor Asistio.
Wala rin umanong nakitang anumang anomalya sa nasabing purchase price na P182 milyon dahil ito ay katulad ng saktong presyong itinakda ng Commission on Audit (COA) at sinabi pang ang mga perang ibinayad ng Gotesco ay direktang nauwi sa kaban ng pamahalaang lungsod at hindi sa bulsa ng sinumang indibiduwal o organisasyon.
- Latest
- Trending