Lim sa PWD: "Magtiwala sa sarili"

MANILA, Philippines - Dapat na ipakita ng mga taong may kapansanan ang kanilang tiwala sa sarili at pagiging produktibo.

Ito naman ang naging hamon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa may 132 empleyado ng city hall ka­ugnay ng orientation seminar sa Bulwagang Gat. An­tonio Villegas. 

Ayon kay Lim, hindi dapat na maging sagabal sa mga Person With Disabilities (PWDs) ang kanilang kapansanan upang maging maunlad sa buhay.

Sinabi ni Lim, na nananatili ang social discrimination at social insecurity sa mundo kung kaya’t hindi dapat na patalo ang mga PWD’s at sa halip ay maging inspirasyon upang malabanan ang kahirapan.

Hindi rin umano dapat na mawalan ng pag-asa ang mga PWD’s dahil maraming PWD’s ang nagbigay din ng karangalan sa bansa at naging mga bayani tulad ni Apolinario Mabini; Atty. Arturo Borjal na naging Outstanding Manilan sa larangan ng journalism noong 1981at dating Isabela Governor Grace Padaca.

Nabatid na isinagawa ng city personnel office ang seminar para makita ang kakayahan at karapatan ng mga PWD’s. Dumalo sa nasabing orientation sina  

City Personnel Officer, Ret. Col. Redencion Pitajen Caimbon, Ret. Gen. Enrique Galang at city departments heads.

Show comments