Basurero todas sa kainuman

MANILA, Philippines - Pinatay sa saksak ang isang basurero ng isang helper­ na kanyang ka­inuman kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dead-on-arrival sa Pasay City General Hos­pital ang biktimang si Efren Pastrana, 32, sanhi ng ti­namong ilang tama ng saksak ng icepick sa katawan.

Hinahanting naman ng Pasay City Police ang suspek na si Kalaw Aransado, 26, binata, ng Sporting Club. P. Villanueva St., ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng umaga sa Market Road, Taft Avenue ng na­sabing lungsod.

Ayon sa saksing si David­ Villanueva, 25, kasalu­kuyan niyang inaayos ang mga yelong kanyang ide-deliver nang mapansin nito ang bik­tima at ang suspek na nag-iinuman.

Makalipas ang ilang mi­nuto ay nakita niya ang biktima na nilapitan ang ilang istambay sa palengke.

Nang makita ng suspek ang ginagawang pang-aasar ng biktima sa mga istambay ay nagalit ito at pinagsabihan subalit hindi umano pinakinggan ng biktima ang suspek hanggang sa nagalit ang huli at kinuha ang icepick at saka pinagsasaksak ang biktima saka mabilis na tumakas.  

Show comments