^

Metro

12-anyos dedo sa shootout ng pulis at 3 kawatan

- Pete Laude - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 12-anyos na batang lalaki ang nasawi, habang dalawa pa ang nasugatan kabilang ang isa sa tatlong pinaghihinalaang holdaper matapos ang pagbabarilan ng isang pulis at grupo ng nakasagupang suspect kamakalawa sa Malabon City.

Kinilala ni Senior Inspector Gregorio Catacutan, ng Malabon City police ang nasawi na isang Torry Maiso, residente ng Brgy. Catmon.

Sugatan naman ang isa sa sinasabing kawatan na si Rexie Mercader, 28, ng Navotas City at ang motoristang si Jose Cruz, 61, na tinamaan ng ligaw na bala sa kaliwang hita.

Ayon kay PO1 Dan Perry Rumbawa, 32, nakadestino sa Navotas City Police station anti-narcotics unit na lulan siya ng kanyang motorsiklo patungong Valenzuela nang harangin siya ng tatlong suspect na magkakaangkas sa isang motorsiklo sa may M.H del Pilar St., Brgy. Tinajeros sa Malabon dakong alas- 2:10 ng hapon. Agad umanong nagbunot ng baril ang mga suspect at itinutok sa pulis. Tangka ring bunutin ng pulis ang kanyang baril subalit agad siyang pinaputukan ng mga suspect. Mabilis namang nakababa ng motorsiklo si Rumbawa at nakakubli sa isang naka-park na sasakyan habang nakikipagpalitan ng putok sa mga suspect.

Matapos ang putukan ay nakita namang duguang nakahandusay ang batang si Maiso na noon ay namumulot ng mga scrap materials malapit sa lugar.

Tinamaan din ng ligaw na bala ang dumadaan lamang na si Cruz.

Duguan ding iniwan ng kanyang mga kasamahan ang suspect na si Mercader na tinamaan sa sikmura.

Narekober kay Mercader ang isang .38 cal. revolver na may mga bala. Isinuko naman ni Rumbawa ang kanyang .9mm service pitol. Inaalam pa kung kaninong baril ang tumama at nakapatay sa batang si Maiso at sa sugatang si Cruz.  

BRGY

CRUZ

DAN PERRY RUMBAWA

JOSE CRUZ

MAISO

MALABON CITY

MERCADER

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

PILAR ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with