^

Metro

Promdi nang-hostage dahil sa gutom

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na promdi ang nang-hostage ng 11-anyos na bata dulot umano ng matindi nitong pagkapagod at pagka­gutom kahapon ng ma­daling-araw sa Quezon City.

Pero dahil sa maayos na pakikipagnegosasyon ng mga tauhan ng Quezon City Police sa suspek na nakilalang si Rener Parparan ng Isabela, Negros­ Occiental ay nagawa nitong sumuko.

Nakaligtas naman sa tiyak na kapahamakan mula sa kamay ng suspek ang biktimang nakilala lamang sa pangalang “Jason” ng E. Rodriguez, Barangay Kristong Hari ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay P/Supt. Norberto Babagay, hepe ng Galas Police Station 11, dakong alas-3:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa inuupahang apartment ng pamilya ni Jason sa nabanggit na lugar.

Kilala umano ng tatay ng biktima ang suspek kaya’t pinatuloy ito sa kanilang bahay.

Subalit pagkapasok sa bahay, bigla na lamang hinatak ni Parparan si Jason saka mahigpit na hinawakan sa leeg at tinutukan ng 2 pulgadang ice pick.

Dulot umano sa pagod at gutom, hindi na nagawa pang kilalanin ng suspek ang pakiusap ng ina ng biktima na pakawalan ang anak.

Agad namang duma­ting ang rescue team ng Galas Police at sa loob ng apat na oras na negosasyon ay pinakawalan din ng suspect ang hostage na bata at saka sumuko.

Lumalabas sa pagsi­siyasat na naglakad lamang­ umano si Parparan nang dumating sa Quezon City buhat sa Cavite.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon na ma­aaring sa sobrang gutom at pagod kaya nawala sa sarili ang suspect at doon nang-hostage.

BARANGAY KRISTONG HARI

GALAS POLICE

NORBERTO BABAGAY

PARPARAN

POLICE STATION

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RENER PARPARAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with