Koreano, 1 pa 'hinulidap' sa loob ng bahay

Manila, Philippines - Nabiktima ng hulidap ang isang Koreano at isang Pilipinong graphic artists ma­karaang damputin ng dalawang lalaki na nagpakilalang mga pulis at puwer­ sahang ipa-withdraw ang perang laman ng kanilang ATM cards, kamakalawa sa Las Piñas City.

Dumulog sa Las Piñas City Police ang mga bikti­mang sina Kim Byung Woo, 38, Korean national, ng Ca­simiro Village, Brgy. Pamplona 3, at si Alexander Tan Jr., 28, ng Gatchalian Village, Brgy. Manuyo 2, ng naturang lungsod.

Sa kanilang salaysay sa pulisya, abala sa kanilang trabaho ang mga biktima sa loob ng bahay ni Kim dakong alas-9:20 ng uma­ga nang dumating ang da­lawang salarin at nagpakilalang mga pulis.

Dinala umano sila ng mga ito sa Citibank Muntinlupa Branch at puwersahang pinag-withdraw ng pera na nagkakahalga ng P20,000.

Mabilis na tumakas na­man ang dalawang sa­larin lulan ng dalawang mo­tor­siklo. Agad namang nagtu­ngo sa himpilan ng pulisya ang dalawang biktima upang magreklamo.

Ngunit nang ipakita ang hanay at litrato ng mga pulis Las Piñas, walang ma­ ituro ang mga biktima habang nang puntahan ang naturang banko ay wala namang nakakabit na “closed circuit television camera (CCTV)” sa tapat ng kanilang ATM machine.

Show comments