^

Metro

Construction worker, dedo sa sekyu

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Patay ang isang construction worker makaraang paputukan ng shotgun ng security guard na nakaalitan ng kanilang grupo sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Nasawi habang ginagamot sa Quezon City General Hospital ang biktima na kinilalang si Michael Garavel, 30, steelman at residente ng Westbank Road, Maybunga Pasig City bunga ng tinamong tama ng bala ng shotgun sa kanyang tiyan.

Nangyari ang krimen mga pasado alas-11:20 kama­kalawa ng gabi sa steeling barracks sa compound ng Mega­­wide Construction sa Sto. Cristo, Quezon City.

Mabilis namang tumakas ang itinuturong salarin na si William Reyes, security guard ng Caraga Security Agency at nakatalaga sa nasabing kompanya.

Una rito, nakipag-inuman umano ang biktima sa kanyang kapatid na si Renald at kasamahang si Roland Espinosa sa isang videoke bar sa kalapit na lugar at ng makatapos ay pabalik na sana sila sa kanilang barracks ngunit hinarang umano sila ng suspek at mga kasamahang guwardiya na sina Hatulan at Macaraeg.

Ayon sa mga kasama ng biktima, ikinatuwiran ng mga guwardiya na curfew na umano at hindi sila dapat pinapapasok.

Dahil dito nagkainitan umano ang kampo ng mga guwardiya at biktima dahilan upang kunin ng suspek ang kanyang shotgun at pagbalik ay binaril na nito ang biktima.

vuukle comment

AYON

CARAGA SECURITY AGENCY

CRISTO

MAYBUNGA PASIG CITY

MICHAEL GARAVEL

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

ROLAND ESPINOSA

WESTBANK ROAD

WILLIAM REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with