Mister dinedo dahil sa droga

MANILA, Philippines - Hinihinalang sa droga­ ang dahilan kung bakit pinagbabaril at napatay ang isang mister ng dalawang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jevee Baya­ngan, 33, ng Globo del Oro, Quiapo, Manila.

Nadakip naman ang suspek na si Jayser Te­norio, 33, ng Obrero, Manila habang naka­takas ang hindi pa kilalang kasama nito.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng gabi sa Rizal Avenue Ext. ng nabanggit na lungsod habang nakatambay ang biktima sa nabanggit na lugar nang biglang sumulpot ang dalawang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang insi­dente ay tumakas ang mga suspect kung saan nakuha ng mga pulis ang cellphone ng biktima na may mga text tungkol sa transaksiyon sa droga.

Sa isinagawang follow-up operation ay na­dakip si Tenorio habang nakapuga ang kasama nito na inaalam na rin ang pagkakakilanlan.

Show comments