MANILA, Philippines - Dalawanput-siyam na paaralan sa Quezon City ang idineklarang walang pasok sa darating na Lunes (Hulyo 23) kaugnay sa isasagawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ayon kay Atty. Liberty Roxas, legal officer ng Division of City Schools sa lungsod, nagpalabas na ng memorandum si Supt. Corazon Rubio na nagbibigay ng awtorisasyon para hindi magklase sa Lunes ang maraming paaralan na malapit sa Batasan Complex.
Kabilang dito ang Commonwealth Elementary School, Corazon Aquino Elementary School, Doña Juana Elementary School, Holy Spirit Elementary School, North Fairview Elementary School, Bagong Silangan Elementary School, Culiat Elementary School, New Era Elementary School, Payatas Elementary School, Payatas B Annex Elementary School, Manuel L. Quezon Elementary School, Lupang Pangako Elementary School, San Diego Elementary School, San Diego Elementary School, Benigno Aquino Elementary School at West fairview Elementary School.
Gayundin ang Commonwealth High School at Batasan Hills National High School, Commonwealth High School, Batasan National High School, Judge Feliciano Belmonte High School, Holy Spirit National High School, Lagro High School, North Fairview High School, Bagong Silangan High School, Culiat High School, New Era High School at Judge Cecilia Muñoz Palma High School.
Ito ay dahil na rin sa inaasahang pagsisikip ng trapiko at mga gagawing mga pagrarali ng iba’t ibang grupo.