MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P10 million halaga ng mga ari-arian ang natupok ng apoy sa naganap na sunog sa isang pabrika ng plastic sa Valenzuela City kahapon ng umaga. Sa report ng Bureau of Fire, dakong alas-2:05 ng madaling-araw nang magliyab ang Tats Plastic Industries na matatagpuan sa Hermosa Compound, Brgy. Dalandanan ng nabanggit na lungsod na pagmamay-ari ng mag-asawang Angel at Ma.Teresita Lao.
Nabatid na nahirapan ang mga rumespondeng bumbero sa pag-apula ng apoy dahil sa mga nakatambak na plastic sa loob at labas ng pabrika. Dahil sa mayroong malaking fire wall ang pabrika kaya napigilan nito na kumalat ang sunog sa mga nakatira sa likuran ng pabrika.