^

Metro

6,000 parak ikakalat ng QCPD sa SONA

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mahigit sa 6,000 kagawad ng pulisya ang ipapakalat ng Quezon City Police para i-secure ang Batasang Pambansa at kalsada kung saan magsasagawa ng ikatlong State of The Nation Address (SONA) si Pa­ngulong Benigno Aquino III sa July 23.

Ayon kay Quezon City Police District director Chief Superinten­dent Mario dela Vega, nakahanda ang kanilang tropa upang ayusin ang mga nasa bahagi ng Batasan habang pina­nanatili naman­ ang peace and order sa ina­asahang mga militante na magsasagawa ng kilos-protesta sa may Commonwealth Avenue at iba pang lugar.

Sabi ni Dela Vega, ang ilang parte ng mga ikakalat na pulis ay naka­tuon sa dati nang ginagawa ng kanilang tanggapan ang anti-criminality effort na kinabibilangan ng may 1,739 policemen.

Samantala, ayon naman kay Superintendent Richard Fiesta, hepe ng District Operations and Plans Division ng QCPD, binubuo ng may 818 policemen ang contingent ng civil disturbance ma­nagement (CDM) para pagtibayin ang mga lugar kung saan magsasagawa ng kilos-protesta ang mga militante, par­tikular sa Commonwealth Avenue.

May 150 personnel din ang nakareserba sa sandaling kulangin ang mga ito. Bukod pa sa 70 traffic personnel na ipina­kalat para magmantine ng daloy ng sasakyan sa mga kalsada patungo sa Batasan Pambansa.

BATASAN PAMBANSA

BATASANG PAMBANSA

BENIGNO AQUINO

CHIEF SUPERINTEN

COMMONWEALTH AVENUE

DELA VEGA

DISTRICT OPERATIONS AND PLANS DIVISION

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with