Importer ng shabu, tiklo ng PDEA
MANILA, Philippines - Isang hinihinalang shabu importer ang inaresto ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC) at Philippine National Police (PNP) matapos na tanggapin nito ang isang package na naglalaman ng higit kumulang sa P500,000 halaga ng shabu mula sa undercover agent sa isinagawang controlled delivery operation sa Apalit Pampanga iniulat kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang suspect na si Rolando Sunga, alyas Rolly, 52, ng Sampaga, San Vicente, Apalit, Pampanga. Si Sunga ay nadakip ng mga tropa ng PDEA Regional Office National Capital Region (PDEA RO-NCR) sa pamumuno ni Director Wilkins Villanueva, BOC at PNP. Dahil dito, kung kaya nagsagawa ng operation ang nasabing tropa sa pamamagitan ng pagbibigay ng natitirang package kay Sunga at nagkasundong dalhin ito sa bahay niya, ganap na alas-6 ng gabi.
Nang tanggapin ni Sunga ang nasabing package ay saka ito dinamba ng mga nakaantabay na mga operatiba at inaresto. Nakumpiska kay Sunga ang isang plastic box na naglalaman ng may 106 gramo ng shabu.
Kasong paglabag sa Section 4 (Importation of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kinakaharap ngayon ng suspect.
- Latest
- Trending