^

Metro

3 tulak ng droga, dakma

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlo-katao na sinasabing notoryus na tulak ng bawal na droga, kabilang ang isang malapit na kamag-anak ng prominenteng politiko ang nadakma sa inilatag na buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Ususan Taguig City noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Tomas Apolinario ang mga suspek na sina Elisa Tiñga, alyas Ely, 53, ng Kalayaan Street, Brgy. Ususan; Andrea Escalante at si Daniel Datinggaling na pinaniniwalaang mga miyembro ng Tiñga Drug Syndicate.

Sa ulat ng pulisya, na­aresto ang mga suspek sa isinagawang buy-bust operation noong Sabado ng gabi kung saan nakumpiska ang 17 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P290,000.

Samantala, kasama naman sa listahan ng pulisya ang nakakalaya pa ring mister ni Elisa na si Noel Tiñga na sinasabing pinsan ng isang politiko sa nasabing lungsod. 

Si Elisa ang ikapitong miyembro ng sindikato na naaresto na ng pulisya noong 1996 kung saan kauna-unahang bumagsak si Hector Tiñga.

Noong Enero 2007, nadakip naman ng Southern Police District ang isang Bernardo Tiñga habang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency sina Fernando, Allan Carlos at Alberto Tiñga. Noong 2008, nadakip naman ang isa pang miyembro ng sindikato na si Joel Tiñga.  

ALBERTO TI

ALLAN CARLOS

ANDREA ESCALANTE

BARANGAY USUSAN TAGUIG CITY

BERNARDO TI

DANIEL DATINGGALING

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUG SYNDICATE

ELISA TI

HECTOR TI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with