Utility worker nag-suicide sa DOJ
MANILA, Philippines - Nakikipaglaban kay kamatayan ang 32-anyos na utility worker matapos itong magtangkang magpakamatay habang naka-duty sa loob ng gusali ng Department of Justice (DOJ) sa Padre Faura, Ermita, Maynila, kahapon ng hapon.
Kinilala ang biktimang si Arlyn Aviles ng Katarungan Village, Poblacion, Muntinlupa City, at nakatalaga sa DOJ main building at kawani ng Dear John Services.
Natagpuan ang biktima na nakadapa sa sahig ng Room 127 sa tanggapan ni State Prosecutor Caridad M. Junio na nangingitim na ang kuko at walang pulso.
Natagpuan ang suicide note sa tabi nito na nagsasaad ng kaniyang suliranin sa pera at pagkakautang.
Isinugod ang biktima sa katapat lamang na Philippine General Hospital (PGH) kung saan comatose na.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente sa pangunguna ni PO3 Crisanto Celestial ng MPD Station 5.
- Latest
- Trending