Misis dedo sa ka-live-in na pulis

MANILA, Philippines - Sa hindi inaasahang pagkakataon ay napatay ang 32-anyos na misis ng kanyang ka-live-in na pulis matapos mabaril sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City kamaka­lawa ng hapon.

Kinilala ni P/Chief Ins­pector Rodel Marcelo, hepe ng Quezon City PNP District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktima na si Nenita Pediga Fernand.

Namatay habang gina­gamot sa East Ave­nue Medical Center ang biktima na tinamaan ng bala ng baril sa kanang tiyan.

Sumuko naman ang suspek na si PO3 Arsenio­ Gardon, 42, naka­talaga sa himpilan ng pulisya sa Makati City.

Ayon kay SPO1 Ra­fael de Peralta ng QCPD-CIDU, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa loob ng bahay ng magka-live-in sa #159 Pook dela Paz, Brgy. Old Balara.

Lumilitaw na nagdi­diskarga ng bala ng baril ang pulis nang biglang pumutok ito kung saan tinamaan ang natutulog na biktima sa kanilang kuwarto sa unang palapag ng bahay.  

Show comments