Barker grinipuhan ng sepulturero

MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 55-anyos na barker matapos itong saksakin ng sepulturero na nagalit dahil inupuan ang nitsong binabantayan nito sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Napuruhan sa dibdib at inoobserbahan sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Herminildo Ocal ng #157 Twin Pioneer St., ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lamang sa alyas Kulas, sepulturero sa Sgt. Mariano Public Cemetery Don Carlos St., Pasay City.

Sa ulat ni SPO1 Ge­no­mar Geraldino ng Pasay City Station Investigation Division, naganap ang krimen dakong alas-12:50 ng mada­ling-araw sa loob ng nabanggit na sementeryo.

Lumilitaw na nagpahinga ang biktima kung saan umupo sa nitso na binabantayan ng suspek.

Dito na sinita ng suspek ang biktima hanggang sa magkainitan at nauwi sa pananaksak.  

Show comments