MANILA, Philippines - Isang 24-anyos na security guard ang iniulat na nasawi matapos mabaril ang sarili sa Russian roulette sa labas ng convenience store sa Quezon City kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Supt.Virgilio Fabian, hepe ng Fairview Police Station 5 ang biktimang si Joel Tumanan ng San Isidro, Tala, Caloocan City.
Ayon sa pulisya, bandang alas-5:30 ng umaga nang marinig na lamang ng manager ng Mini Stop convenience store na si Angie Tarte ang putok ng baril sa labas ng naturang tindahan.
Pinaniniwalaang naglaro ng Russian roulette ang biktima na tumama sa kanang leeg ang bala kaya nakasalubong si kamatayan.