Bisor pinabulagta ng sekyu

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang asar-talo ang isa sa ugat kaya pinagbabaril at napatay ang bisor ng condominium ng 28-anyos na security guard sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa tagi­liran at binawian ng buhay sa Perpetual Succor Hospital ang biktimang si Wilfredo Rayzo, 41, su­per­visor ng maintenance service ng University Tower 2-Galicia sa Sampaloc, Manila at naka­tira sa #46 Sitio Militar, Brgy. Bahay Toro, Project 8, Quezon City.

Samantala, nasakote naman ang suspect na si Leonilo Flores ng #1261 Mataas na Lupa, Paco, Maynila.

Sa ulat  ni PO2 Cris­pino Ocampo ng  Manila Police District-Homicide Section, nagsimula ang iringan ng dalawa nang sitahin ng suspek ang biktima na unahing dakutin ang mga basura.

Minasama ng biktima ang tinuring ng suspek kaya malimit asarin nito hanggang sa mauwi sa mainitang kompron­tasyon kung saan na­awat naman ng kanilang kasamahan.

Dito na nagsimulang asarin ng biktima ang suspek na humantong sa pamamaril. Dahil sa insidente, mismong ang opisyal ng security personnel ang umaresto sa suspek bago pinigil sa kanilang  barracks at isinurender sa pulisya.  

Show comments