^

Metro

Pulis-Maynila itinumba sa motorsiklo

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Napaslang ang 43-anyos na pulis-May­nila na sinasabing lumabas ng kanilang bahay para bumili ng gamot ng kanyang misis ma­tapos itong pagbabarilin ng grupo ng kalalakihang lulan ng sports utility vehicle (SUV) sa isang bahagi ng Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang na­patay na si PO1 Manuel Garcia ng Manila Police District-Station 1 sa Smokey Moun­tain Police Community Precinct at nakatira sa #1530 Bo. Sta. Maria, Paco, Maynila.

Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Benitez ng MPD-Homicide Section, naganap ang krimen dakong alas-4:05 ng madaling-araw sa bi­sinidad ng Pedro Gil St. sa nasabing lugar.

Napag-alamang ka­uuwi pa lamang ng biktima mula sa night shift duty kung saan muling lumabas para bumili ng gamot ng kanyang misis nang makasalubong si kamatayan.

Matatandaan na noong Hunyo 2012 lamang ay brutal na pinatay ng sindikato ng iligal na droga si PO3 Teofilo Panlilio ng MPD-District Headquarters Support Unit bago itinapon sa dagat kasama ng sina­sabing asset nitong 40-anyos na babae sa Isla Puting Bato sa Tondo, Maynila.  

Kamakalawa ng uma­ga­ naman ay pinagba­baril hanggang sa ma­patay si PO3 Jesus Lapuz ng Manila Traffic Bureau ng riding-in-tandem ma­tapos sitahin ang mo­torista sa traffic violation sa kahabaan ng Roxas­ Blvd. sa Pasay City.

DISTRICT HEADQUARTERS SUPPORT UNIT

HOMICIDE SECTION

ISLA PUTING BATO

JESUS LAPUZ

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MANILA TRAFFIC BUREAU

MANUEL GARCIA

MAYNILA

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with