^

Metro

Mister nagbigti

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang mekaniko matapos itong magbigti sa loob ng kanilang bahay sa San Andres Bukid, Manila kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Rowel Ejercito, 30, ng Crisolita St., San Andres Bukid, Manila.

Sa report ni Det. Amelito Lopez ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng umaga nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa asawang si Rowena, dakong alas-6 ng umaga nang iwan nitong natutulog ang mister upang mamili ng kanyang mga paninda sa Divisoria subalit pagbalik nito ay bumulaga sa kanya ang biktima na nakabigti sa grills ng kanilang bintana.

Dagdag pa ni Rowena na huli silang nag-usap ng kanyang asawa dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang utusan siyang bumili ng pandesal at nagsalo pa silang kumain saka natulog.

Wala umano siyang alam na problema nilang mag-asawa para magpakamatay ito maliban sa kawalan nila ng anak.

Sinisiyasat pa rin ng pulisya ang pagpapakamatay ng biktima.

AMELITO LOPEZ

AYON

CRISOLITA ST.

DAGDAG

DIVISORIA

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT

ROWEL EJERCITO

ROWENA

SAN ANDRES BUKID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with