^

Metro

2 salvage victim natagpuan

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na hinihinalang biktima ng summary execution ang nagtagpuan sa isang kalsada habang naka­gapos ang mga kamay at paa sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police, nakilala ang isa sa mga biktima na si Albert John Morante, 21, ng Bambang St., Tondo, Manila.

Habang ang isang biktima ay tinukoy lamang sa alyas na Regala na kapitbahay ni Albert. Ang mga biktima ay natagpuan sa may harap ng isang bahay sa Brgy. Santol sa lungsod ganap­ na alas-5 ng madaling-araw.

Sinasabing nagpapa­trulya ang barangay public safety officer (BPSO) na si Ronald Estrada sa lugar nang ma­ispatan nito ang katawan ng mga biktima, habang walang buhay na nakabulagta sa lugar.

Sa inisyal na ulat, posibleng pinatay ang mga biktima sa pamamagitan ng pagsakal.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo ng CIDU, ang dalawa ay personal na kinilala ng kapatid ni Albert na si Maria Rosario, 23, isang accountant.

Sinabi ni Maria na matagal nang hinahanap ng kanilang pamilya si Albert matapos na hindi na ito magpakita, makaraang umalis noong Lunes ng gabi sakay ng isang motorsiklo

Nang mabalitaan umano ni Maria na may natagpuang bangkay ng dalawang lalaki sa Quezon City ay agad siyang nagpunta sa CIDU at ipinakita sa kanya ang mga larawan kung saan nakumpirma niya na ang isa sa biktima ay ang kanyang kapatid.

Sabi ni Maria, wala umano siyang nalalaman na ka­away ang kanyang kapatid na nagta­trabaho lamang sa isang beauty­ parlor.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing in­sidente.

ALBERT JOHN MORANTE

AYON

BAMBANG ST.

BIKTIMA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ERIC LAZO

MARIA ROSARIO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with