^

Metro

P5.7-M halaga ng shabu, winasak ng PDEA

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P5.7 milyong halaga ng controlled pre­cursors at mga kemikal gayundin ang mga laboratory equipment na ginagamit sa paggawa ng shabu ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isang drug facilities nito sa Valenzuela City kahapon.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang naturang mga kemikal at kagamitan ay nasamsam ng awtoridad sa mga itinayong laboratoryo ng shabu sa may Acacia, Ayala-Alabang, Muntinlupa at Bagumbayan, Taguig na nilusob noong Enero 6, 2012 at Marso 26, 2010.

Sinabi ng opisyal, may kabuuang 2,873 litro ng liquid che­micals na kinabibilangan ng toluene, acetone at hydrochloric acid at 1,213 kilograms ng solid chemicals na kinabibilangan ng iodine, carbon, sodium chloride, sodium hydroxide, at red phosphorous ang sinira sa pamamagitan ng chemical treatment method.

Sa pagwasak sa mga kemikal, tiniyak ni Gutierrez sa publiko na walang posibilidad na ang original na komposisyon nito ay hindi na marerekober.

Isinagawa ang pagsira sa mga kemikal sa may Green Planet Management, Incorporated (GPMI) sa Punturin, Valenzuela, ang treatment facility na accredited ng DENR at ikalawa sa pasilidad na pinagsusunugan ng mga nasabing kemikal. Ang una ay ang lugar sa Integrated Waste Management Incorporated (IWMI) sa Trece Martires, Cavite noong April 12, 2012, kung saan mahigit sa P800 million halaga ng mapanganib na droga ang sinunog.

Taong 2011, aabot sa P590 million halaga ng iligal na droga, kemikal at laboratory equipment ang sinira ng PDEA, upang patunayan sa publiko na ang nasasamsam nilang iligal na droga ay hindi inire-recycle. (Ricky T. Tulipat at Lordeth Bonilla)

AYALA-ALABANG

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

GREEN PLANET MANAGEMENT

INTEGRATED WASTE MANAGEMENT INCORPORATED

LORDETH BONILLA

RICKY T

TRECE MARTIRES

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with