^

Metro

ABS-CBN reporter inakyat-bahay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Pinasok ng hinihinalang akyat bahay gang ang bahay ng ABS-CBN reporter na si Jay Ruiz  at tinangay ang mga mahahalagang gamit at pera nito sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

 Ayon sa inisyal na ulat, ang insidente ay naganap sa Jasmine street, Mapayapa  Village 2 sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City matapos na magising si Ruiz ganap na alas- 5:30 ng umaga.

 Sinabi ni Ruiz, nagulat na lamang umano siya nang makita na nagkalat ang kanilang mga gamit paglabas niya ng kuwarto. Agad umano niyang tinignan ang lagay ng dalawang anak bago madiskubreng nawawala na ang dalawang laptop, dalawang cellphone, dalawang wallet, pera at mga relo. ?

 Bukod dito, maging ang dalawang kotse na nakaparada sa harap ng kanyang bahay ay binuksan ng mga suspect saka kinuha ang pera at mahahalagang gamit na nakalagay dito. Maging ang laman ng refrigerator ng pamilya ay hindi pinatawad ng mga suspect at nilimas ang laman nito.

 Sinasabing nagawang makapasok ng bahay ni Ruiz ang mga suspect sa pamamagitan ng pagsungkit sa susi sa playroom ng anak ni Ruiz habang ang pamilya ay mahimbing na natutulog.

 Wala rin anyang nakitang puwersahang pagpasok sa bahay maliban sa mga bakas ng paa mula sa bakuran nito na maaring dinaanan ng mga suspect.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

BUKOD

HOLY SPIRIT

JAY RUIZ

MAPAYAPA

QUEZON CITY

RUIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with