^

Metro

Public Market sa Marikina nasunog

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tinupok ng apoy ang Con­cepcion Public Market sa Brgy. Concepcion-Uno sa Marikina City kama­kalawa ng gabi.

Nabatid mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Ma­rikina, ang sunog sa pami­lihang bayan ay nagsimula ganap na alas-10:50 ng gabi na tumupok sa malaking bahagi ng palengke.

Nagtagal ng dalawang oras ang sunog na umabot sa ika­limang alarma at idineklarang fire-out ganap na alas-12:53 ng madaling-araw.

Base sa inisyal na report, ang sunog ay nagsimula sa tindahan ng tsinelas at mabilis na kumalat sa katabi pang mga stall kabilang ang malaking tindahan ng bigas.

Bukod sa iba’t ibang pa­ninda­ ay tinupok din ng apoy ang may 1,000 kaban ng bigas na sinasabing kadi-deliver pa lamang noong maganap ang sunog.

Hinala ng mga nasunugang tindero na sinadya ang sunog dahil plano na umanong ibenta ang Concepcion Public Market.

Wala namang naiulat na nasawi o kaya’y nasaktan sa nasabing sunog na tinatayang milyong halaga ng ari-arian ang naabo sa insidente.

BRGY

BUKOD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CONCEPCION PUBLIC MARKET

CONCEPCION-UNO

HINALA

MARIKINA CITY

NABATID

PUBLIC MARKET

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with