^

Metro

Ginang na nagsesaryan sa sarili kinasuhan

- Doris Franche - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Kasong kriminal ang iniharap ng mga tauhan ng Manila Police District sa ginang na sinesaryan ang sarili kamakailan sa Sta. Mesa, Manila.

Ayon kay Manila Homicide chief, Senior Ins­pector Joey de Ocampo, kasong paglabag sa Article 256 o intentional abortion ang kanilang inihain sa Manila Prosecutor’s Office laban sa naturang babae.

Sinabi rin ni De Ocampo na iimbestigahan din nila   ang dalawang kasambahay  na maaaring naging ka­sabwat ng ginang sa kan­yang pagpapaanak sa sarili sa pamamagitan ng caesarian.

Matatandaan na nilaslas ng babae ang kanyang sariling tiyan nang 10 hanggang 15 sentimetro gamit ang isang kitchen knife noong nakalipas na Hulyo 5 ng taong kasalukuyan, bago hinugot ang sanggol na nagkakaedad ng 9-buwan.

Matapos mahugot ang sanggol, tinahi pa ng ginang ang kanyang sarili gamit ang ordinaryong karayom at sinulid na hindi na niya natapos.

Nasawi sa insidente ang sanggol.

Nang matuklasan ito ng kanyang kamag-anak ay agad siyang isinugod sa ospital subalit ang sanggol ay namatay din.

Kamakalawa rin na­tagpuan ang bangkay ng baby na inilibing sa isang bakanteng lote ng MMDA pumping station sa may Anonas St., sa Sta. Ana, Manila.

ANONAS ST.

AYON

DE OCAMPO

HULYO

KAMAKALAWA

KASONG

MANILA HOMICIDE

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA PROSECUTOR

SENIOR INS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with