^

Metro

Lolo di nakatiis sa hika, nagbigti

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hinihinalang nagpatiwakal ang isang 65-anyos na lolo upang takasan ang dinaranas na sakit na hika makaraang matagpuang nakabigti sa loob ng banyo ng bahay nito, kahapon ng umaga sa Makati City.

Dakong alas-10:00 ng umaga nang matagpuang wala nang buhay si Lolo Premitivo Odivales, ng San Nicolas St. Brgy. Gua­dalupe Nuevo, Makati, habang nakabigti gamit ang isang electrical wire sa loob ng comfort room ng kanilang bahay.

Bago naganap ang insidente, humingi pa umano ng P5 ang nasawi sa kanyang kapitbahay para bumili umano ng kendi.  Nagpaalam pa muna ito sa pamangkin na si Cris na magbabanyo muna ngunit hindi na lumabas.

Makalipas ang ilang minuto nagtataka si Cris kung bakit ang tagal sa loob ng banyo ng tiyuhin at hindi pa ito lumalabas hanggang sa magpasya nang puntahan ito.  Nang katukin ni Cris ang biktima ay hindi ito nagbubukas kaya napilitan ang mga kaanak na sirain ang pinto kung saan tumambad ang nakabigting matanda.

Lumalabas  sa imbestigasyon ng Makati City Police na ma­tinding depresyon sa kanyang buhay ang isa sa dahilan ng pagpapakamatay at bukod pa rito ay matagal na niyang dinadaing ang sakit nitong hika.  

vuukle comment

DAKONG

GUA

HINIHINALANG

LOLO PREMITIVO ODIVALES

LUMALABAS

MAKALIPAS

MAKATI

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

SAN NICOLAS ST. BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with