^

Metro

Lim sa mga estudyante: 'No future in drugs'

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - “No future in drugs.”

Ito naman ang binigyan-diin ni Manila Mayor Alfredo Lim sa mga estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa katatapos na Drug Abuse Prevention and Education Orientation Seminar.

Ayon kay Lim, tanging edukasyon lamang ang ma­kakapagpaginhawa ng buhay ng isang kabataan ka­tulong ang mga magulang sa pag-abot ng mga pangarap.

Ang magulang niyo ay may mga pangarap para sa inyo. Pag kayo ay nalulong sa masamang bisyo tulad ng pagdo-droga, maaaring ito ang makasira sa kanilang mga pangarap na kayo ay maging mga professionals, at tuluyan ng masira ang inyong kinabukasan. Huwag sana ninyong biguin ang kanilang mga pangarap”, ani Lim.

Kasabay nito, hinimok din ng alkalde ang mga es­tudyante na pagbutihin ang pag-aaral hanggang sa ma­katapos at magtagumpay sa pinili nilang kurso.

“Study, study, study! Yan lang ang tangi kung maipapayo. Huwag magpatukso sa drugs para makatapos kayo sa inyong pag-aaral”, dagdag pa ng alkalde.

Bilang tugon, nagpasa­lamat naman sa alkade ang mga estudyante ng PLM at nangako rin na susundin ang payo at kanilang isusulit ang nakukuhang turo mula sa nasabing kolehiyo.

AYON

BILANG

DRUG ABUSE PREVENTION

EDUCATION ORIENTATION SEMINAR

HUWAG

LUNGSOD

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with