^

Metro

FX 2 ulit binangga: 2 katao todas

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang namatay matapos na dalawang ulit na banggain ang isang FX sa underpass ng Shaw Boulevard sa Edsa kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga biktima na sina Emmanuel Tolentino, empleyado ng Safecon Enterprise at Jose Porlaje Jr., empleyado ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at kapwa residente ng Bulacan.

Ang dalawa ay kapwa idi­neklarang dead-on-arrival sa Mandaluyong City Me­dical Center (MCMC).

Ayon sa report ni PO2 Gregorio Acbay ng Mandaluyong Traffic Police, dakong alas-6 ng umaga ng maganap ang insidente sa northbound ng Edsa Shaw Blvd., underpass, Mandaluyong City.

Sakay ng kulay silver na FX na may plakang EVP-789 ang dalawang biktima nang unang banggain sa likuran ng isang Hyundai Tucson na minamaneho ni Daniel Joseph Pineda ang likurang bahagi nito na na­ging dahilan upang mapunta sa kabilang linya ang FX na muling nabangga ng isa namang Bataan Transit Bus na may plakang PJQ-911 na minamaneho ni Rudy Tibayan na patungo naman sa Pasay Terminal nito.

Dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga kung kaya nagtamo ng matin­ding pinsala sa katawan ang dalawang biktima na siyang dahilan ng kanilang kamatayan.

vuukle comment

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BATAAN TRANSIT BUS

DANIEL JOSEPH PINEDA

EDSA SHAW BLVD

EMMANUEL TOLENTINO

GREGORIO ACBAY

HYUNDAI TUCSON

JOSE PORLAJE JR.

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with