^

Metro

Salvage victim natagpuan sa QC

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - “Huwag tularan, snatcher ako!”

Ito ang nakasulat sa ka­­ra­tulang nakalagay sa bangkay ng isang nakaposas na salvage victim na natagpuan sa lungsod Quezon kaha­pon ng madaling-araw.

Inilarawan ng Criminal Investigation Division Unit ng Quezon City Police, ang biktima na nasa edad na 25-30, katamtaman ang pa­­ngangatawan, moreno, nakasuot ng kulay pulang long sleeve, maong na pantalon, maikli ang buhok, at may tattoo sa tiyan na markang “NOH128” HENRY CORNEJOS” at “BCJ”sa kanang tuhod.

Sa imbestigasyon, ang biktima ay natagpuan ng mga nagpapatrolyang barangay tanod sa may kanto ng Banahaw at Batang Sts. sa Bgy. Kaunlaran ganap na alas-3:50 ng madaling-araw.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan. May nakita ding mga basyo ng bala ng kalibre 25 baril na hinihinalang ginamit sa pamamaslang sa biktima.

BANAHAW

BATANG STS

BGY

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION UNIT

HUWAG

INILARAWAN

KAUNLARAN

LUMILITAW

QUEZON CITY POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with