^

Metro

Misis sinesaryan ang sarili

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Mahirap paniwalaan, pero naganap.

Isang 28-anyos na bun­tis ang nagawang ma­ilabas ang kanyang sanggol sa sinapupunan sa pamama­gitan ng pagsesaryan o pagbiyak sa kanyang tiyan gamit ang ordinaryong kutsilyo at nang matapos ay tinahi pa niya ito gamit ang ordinaryong karayom at sinulid sa loob ng kanyang bahay sa Sta. Mesa, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ito ang nagtatakang pahayag din ni PO1 Michael Pavon, ng Manila Police District-Station 8, sa kaso ng pagsesaryan sa sarili ng ginang na itinago sa pangalang Janice, residente ng Nagtahan St., Sta. Mesa, Maynila, tubong Isabela, Ilocos.

Ang kanyang sanggol na may sukat na 10 hanggang 15 sentimetro ay patay na nang idating sa Ospital ng Sampaloc. Sinasabing napuwersa sa paghila sa bata.

Inilipat din sa Sta. Ana Hospital ang ginang dahil sa maselang mga sugat sa kanyang internal organs. Sinabi ng mga doktor na may tinamaan o nadamay sa hiwa na mga organs sa loob ng tiyan ng ginang.Nadiskubre lamang ang nasabing insidente nang magtungo ang tiyahin ng ginang sa bahay nito bandang alas-4:00 ng hapon.

Nadatnan umano ng tiyahin na nakaupo ang biktima na duguan, nakabukas ang tiyan at may tahi na ang kalahati ng tiyan.

Nasa 15 sentimetro umano ang hiwa sa ibabang bahagi ng tiyan, hindi pa umano kumpleto ang pagkakatahi sa hiwa gamit ang ordinaryong sinulid at karayom, habang nakahiga umano sa tabi nito ang sanggol at ang kutsilyong ginamit sa pagbiyak sa tiyan.

Hindi pa umano nakakausap ang biktima na nasa state of shock habang ang kaanak nito ay naki­usap naman sa awtoridad na huwag nang imbestigahan pa ang kaso.

Gayunman, sinabi ni Senior­ Insp. Joey de Ocampo­ na kakasuhan ng abortion­ ang nasabing babae.

ANA HOSPITAL

GAYUNMAN

ILOCOS

INILIPAT

ISABELA

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

MICHAEL PAVON

NAGTAHAN ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with