21 kababaihan, sanggol nasagip sa sex den
MANILA, Philippines - Nailigtas ng pinagsanib na operatiba ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group – Women and Children Protection Division (PNP-CIDG-WCPD) at Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang isang 4-na buwang sanggol at 21 kababaihang nagbebenta ng aliw sa isinagawang pagsalakay sa prostitution den sa Ermita, Manila kamakalawa ng gabi.
Ayon kay PNP-CIDG Chief P/Director Samuel Pagdilao Jr, bandang alas-8 ng gabi ng salakayin ng mga elemento ng PNP-CIDG-WCPD) sa pamumuno ni Supt. Emma Libunao, Special Reaction Unit at IACAT ng Department of Justice ang Bistro Emilio KTV Bar sa kahabaan ng United Nations Avenue sa panulukan ng Cortada St. sa Ermita ng lungsod.
Ayon sa opisyal, sa raid ay nailigtas ang isang 4- buwang sanggol na babae na anak ng isa sa mga sex worker at isang 15-anyos na menor de edad na taga- Tondo.
Ayon kay Libunao ang Bistro Emilio KTV Bar ay pinalitaw umano ng may-ari nito na isang tipikal o ordinaryong restaurant na walang kusina at may apat lamang na mesa kung saan pinahihilera ang mga babaeng prostitute habang naghihintay ng kostumer.
Karamihan umano sa mga kostumer sa nasabing prostitution den ay mga dayuhan na dumarayo at kontak ng nasabing bar.
- Latest
- Trending