^

Metro

Ret. principal patay sa lamay

- Mer Layson - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dedo ang isang reti­radong principal makaraang pagbabarilin ng isa sa apat na hindi pa nakikilalang suspek habang ang biktima ay nakikipaglamay sa namatay niyang driver sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Fernando Javier, kare­retiro pa lamang bilang principal sa Lagro High School sa Quezon City at residente ng Banker’s Village, Brgy. Gitnang Bayan, San Mateo Rizal.

Nabatid na ang in­si­dente ay naganap sa St. Peter Funeral Chapel na makikita sa Brgy. Nangka, Marikina, ganap na alas-7:00 ng gabi habang nakikipaglamay  ang biktima sa yumao niyang  driver.

Ayon sa report, nilapitan umano ng isa sa apat na suspek ang biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ito sa ulo at katawan.

Nang matiyak na patay na ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo patungo sa direksiyon ng Antipolo, Rizal.

Nagsasagawa ngayon ng masusing pagsisiyasat ang mga awtoridad para ma­tukoy ang  motibo ng krimen at madakip ang mga salarin.

vuukle comment

AYON

BRGY

FERNANDO JAVIER

GITNANG BAYAN

LAGRO HIGH SCHOOL

MARIKINA CITY

NABATID

QUEZON CITY

SAN MATEO RIZAL

ST. PETER FUNERAL CHAPEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with