Rider lasog sa truck

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang rider matapos itong salpukin ng isang humaharurot na truck habang minamaneho ang kanyang motorsiklo, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Alejandro Hipolito, 28, ng Sawata Area-1 Maypajo ng nasabing lungsod.

Nasa custody naman ng pulisya ang suspek na si Jun-Jun Columna, 25, ng Ilagan St., SFDM, Quezon City, driver ng Isuzu Elf Truck (RDX-896).

Naganap ang insidente dakong alas-8:00 ng gabi sa C-3 Road, panulukan ng Talakitok St., Caloocan City.

Nabatid na minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo (8864-UD) at nang papaliko na sa nasabing lugar, hindi nito napansin ang paparating na humaharurot na truck na minamaneho naman ni Columna.

Dito ay nasalpok ng truck ang motorsiklo ni Hipolito at sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ito ng ilang metro na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan habang sumuko naman sa mga pulis si Columna.  

Show comments