^

Metro

Ospital inireklamo ng newspaper dealer

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Inireklamo ng isang newspaper dealer ang pamunuan ng University of Perpetual Help Dalta Medical Center sa Las Piñas City dahil sa hindi umano patas na pagbi­bigay ng atensyong medikal sa isang newspaper boy na biktima ng hit-and-run, kamakailan.

Sa reklamong ipina­abot ni Myrna Jimenez sa PSN, hindi umano naging tama ang pagtrato ng mga doktor at staff ng naturang pagamutan sa kanyang newsboy na si Ranilo de Luna, 44, makaraang mabangga at takbuhan ito ng isang kotse­ sa may Alabang Road, Las Piñas.  Nagbibisikleta si De Luna upang mag­hatid ng dyaryo sa mga puwesto nang mabangga ng isang rumaragasang kotse dakong alas-5 ng madaling-araw.

Agad na isinugod sa naturang pagamutan ang biktima makaraang magtamo ng malaking sugat sa ulo. Sa reklamo ni Gng. Jimenez at ng anak nitong si Ma. Elena, inirekomenda ng mga doktor sa Emergency Room na isailalim sa CT Scan si De Luna upang mabatid kung may pinsala sa ulo kung saan pumayag naman sila at nagbigay ng downpayment na P15,000 sa P60,000 na sinisingil sa operating room. 

Ngunit alas-9 na umano ng umaga ay hindi pa naisasagawa ang CT scan sa biktima.  Nagawang matahi at ma-CT scan lamang umano ito nang magpakilala na si Jimenez na dealer ng mga dyaryo at may kontak­ sa media.  Ngunit isa pang inirereklamo ng mga ito ay nang ihatid ang pasyente sa ward room ay pinatayo pa ito at pinaglakad tungo sa kanyang higaan dahil sa kawalan ng wheel chair sa kabila ng pagrereklamo na nahihilo ito. 

Sinabi ni Jimenez na ikinatwiran umano ng head nurse ng pagamutan sa kanilang reklamo na hindi naman umano kritikal ang sitwasyon ni De Luna habang ina­alalayan naman umano ng kanilang mga staff sa paglalakad nito. 

Sinabi naman ni Me­lanie Miraflor, customer service desk ng paga­mu­tan, na nakatakdang mag­palabas ng opisyal na tugon ang kanilang mga opisyales ukol sa naturang reklamo.  

ALABANG ROAD

DE LUNA

EMERGENCY ROOM

JIMENEZ

LAS PI

MYRNA JIMENEZ

NGUNIT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with