^

Metro

Pulis kulong sa video karera

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ikinulong ang isang bagitong parak makaraang bawiin ang pag-aari nitong video karera na kinum­piska ng mga pulis kahapon sa Valenzuela City.

Nakilala ang pulis na si PO1 Ferdinand Adap, 27, nakatalaga sa Navotas City Police Station at residente ng San Francisco St., Brgy. Karuhatan, Valenzuela City.

Dakong alas-12:30 ng tanghali, nabatid na nakatanggap ng reklamo ang mga pulis hinggil sa video karera sa Bagong Kaunlaran, Paso de Blas ng nasabing lungsod na naging dahilan upang respondehan at kumpiskahin ang video karera machine.

Dinala ang video karera sa Police Community Precinct 1 at ala-1:30 ng hapon ay nagpunta doon si Adap at gustong bawiin ang video karera na sinasa­bing pag-aari niya. Dahil dito, dinakip si Adap at sinampahan ng kasong illegal gambling.  

ADAP

BAGONG KAUNLARAN

BRGY

DAHIL

DAKONG

FERDINAND ADAP

NAVOTAS CITY POLICE STATION

POLICE COMMUNITY PRECINCT

SAN FRANCISCO ST.

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with