^

Metro

2,000 Navoteno, tumakbo para sa kalikasan

- The Philippine Star

Manila, Philippines -  Ginanap kahapon kasabay ng selebrasyon ng ika-5 taon pagkakatatag ng Navotas bilang lungsod ang ‘Takbo ni Juan Para sa Kalikasan’. Isa itong fun run activity na naglalayong maisulong ang kaalaman at kamulatan ng bawat mamamayan ng lungsod sa kahalagahan ng kanilang kalikasan.

Pagmamalaki ni Mayor Tiangco, “Ang Navotas ang may pinakamahabang coastal area sa Metro Manila kung kaya naman ay maigting naming ipinatutupad ang tuluy-tuloy na paglilinis ng anyong-tubig na nakapaligid sa lungsod sa pamamagitan ng Navotas Ko Love Ko Lingap sa Kapaligiran Program.”

Mahigit 2,000 katao ang tumakbo bilang suporta sa nasabing programa. Nakalikom ng 30 sakong plastic bottles at 30 broom sticks mula sa mga sumuporta sa programa. Binig­yang pagkilala ang Trans Pacific Journey Inc. sa pagkakaroon ng “Most Number of Participants” sa business sector at San Roque National High School na may pinakamaraming lumahok sa education sector ng lungsod. Gayundin, kinilala si Marcelo Pena, 80 years old, bilang pinakamatandang runner­, na tumakbo sa 7k race at si Clyde Raven Gonzales, 5 years old, bilang pinakabatang runner, na tumakbo sa 3k race.

vuukle comment

ANG NAVOTAS

CLYDE RAVEN GONZALES

JUAN PARA

KAPALIGIRAN PROGRAM

MARCELO PENA

MAYOR TIANGCO

METRO MANILA

MOST NUMBER OF PARTICIPANTS

NAVOTAS KO LOVE KO LINGAP

SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with