5 tibo kinasal sa kapwa babae

Manila, Philippines -  Limang lesbian couple ang nagpalitan ng ‘I dos’ sa kasalang naganap sa isang maliit na chapel sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.

Ang kasalan ay ginanap sa ikatlong palapag ng tinawag na Metropolitan Community Church na matatagpuan sa Mindanao Avenue sa lungsod na binasbasan ni Rev. CJ Agbayani ang pastor sa naturang simbahan.

Tulad ng mga seremonya sa mga ikinakasal, kinabitan ng belo, nagsuot ng sing­sing, at cord ang mga magkakapareha na sumisimbulo ng kanilang pagmamahalan.

Ganap na alas-4:30 ng hapon ng simulan ang sere­monya ng kasal sa limang magkakapareha na sinaksihan ng gay at lesbian community maging ang kani-kanilang mga kamag-anak at kaibigan.

Giit ng Pastor, ang kasayahan ay choice ng bawat isa maging anuman ang kasarian ng mga ito, dahil kailangan din nilang maging maligaya habang nabubuhay sa mundo.

Sa kanyang homily, sinabi ni Agbayani na ang pamilya ay ginawa para sa lahat ng nilalang. Pero ang ganitong biyaya ay ipinagkakait umano sa kanila.

Show comments