Manila, Philippines - Kapwa kulong ang mag-asawa matapos igapos ng kadena ang anak nilang babae sa Caloocan City kahapon.
Nakilala ang mag-asawa na sina Reynaldo Delbo, 42; at Maritess, 40, kapwa ng D. Aquino St., ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng umaga nang puntahan nila kasama ang empleyada ng Caloocan City Social Welfare and Development ang bahay ng mag-asawa matapos makatanggap ng impormasyon na ikinadena ng mga ito ang 12-anyos nilang anak na babae.
Sa utos ng mga pulis ay pinakawalan ni Reynaldo ang anak bago dinala sa presinto ang mag-asawa kung saan inaalam na kung ano ang dahilan para maltratuhin nang ganoon ang kanilang anak.
Nahaharap ang mag-asawa sa kasong child abuse.