^

Metro

Ginang, 2 paslit na anak patay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Patay ang isang 23-anyos na ginang at dalawa niyang mga menor-de-edad na anak matapos matabunan ng buhangin ang kanilang barung-barong mula sa tumagilid na truck na magde-deliber sana nito sa isang compound sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw kamakalawa.

Sa ulat ng pulisya, nakilala ang mga nasawi na sina Jennelyn Tabajonda, 23, at mga anak na sina Jessie, 3; at Kristel, 2, nanunuluyan sa isang compound sa Maria Clara St. sa Brgy. Sto. Domingo, sa lungsod.

Sa imbestigasyon, ang mga biktima ay natabunan ng halos 3/4 ng may 10 toneladang buhangin, dagdag pa ang mga scaffolding at haligi ng kanilang bahay kung kaya halos magkalasug-lasog ang mga katawan ng mga ito at ugat para sila masawi sa insidente.

Sinasabing dahil sa pagkakatabon, hindi naging madali ang ginawang rescue operation ng mga awtoridad, kung saan matapos ang halos tatlong oras ay naunang nahugot mula sa pagka­katabon si Jennelyn at kasunod ang anak na si Jessie, habang tumagal naman halos limang oras bago naiahon si Kristel.

Nagawa pang ma­isugod sa United Doc­tors Hospital ang mag-inang Jennelyn at Jessie­ pero idineklara din itong dead-on-arrival, habang si Kristel naman ay binawian ng buhay sa National Orthopedic Hospital.

Dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang trahedya kung saan nakatayo sa nasabing compound ang barung-barong ng nasabing pamilya na caretaker ang ka-live-in ng ginang na si JR Rabadajo.

Nasa loob ng bahay ang mag-iina nang dumating ang isang 10- wheeler truck (UGX-436) na minamaneho ni Jerome Doctolero, 41, para magdeliber ng buhangin.

Ang kabuuan umanong kargang buhangin ng truck ay aabot sa 10 tonelada, na pilit na inakyat ni Doctolero paitaas sa kabila ng ma­lambot na ang lupa nito bunga ng pagbuhos ng ulan.

Dahil dito, tumagilid ang nasabing truck hanggang sa bumuhos ang karga nitong buha­ngin sa barung-barong ng mga biktima at ma­tabunan ang mga ito.

JENNELYN

JENNELYN TABAJONDA

JEROME DOCTOLERO

JESSIE

KRISTEL

MARIA CLARA ST.

NATIONAL ORTHOPEDIC HOSPITAL

SHY

UNITED DOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with