^

Metro

Nawawalang parak, lumutang sa dagat

- Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Naaagnas na nang matagpuang lumulutang sa dagat ang bangkay ng isang pulis-Maynila na unang iniulat na nawa­wala na tadtad ng tama ng bala ng baril sa Navotas City kamakalawa.

Nakilala ang biktima na si SPO2 Teofilo Panlilio, 53, ng Varona St., Tondo, Manila.

Sa pagsisiyasat ng Navotas City Police, dakong alas-3:30 ng hapon nang makita ng mangingisdang si Rolando Roque ang bangkay ng biktima na lumulutang sa dagat sakop ng Sitio Pulo, Brgy. Tanza ng nabanggit na lungsod.

Dinala sa pampang ang biktima at ipinaalam sa himpilan ng Navotas City Police ang insidente at nang respondehan ay nadiskubreng may mga tama ng bala sa ulo at katawan ang nasabing biktima.

Nabatid na ilang araw nang nawawala ang biktima na huling nakitang kasama ang isang babae na kinilalang si Bangenge na asset umano ng pulis.

Una nang nakita noong Linggo ang bangkay ni Bangenge sa dagat na sakop din ng Navotas. Lumalabas din na isa si Panlilio sa mga pulis na nakipagbarilan sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila na ikinasawi ng apat na hinihinalang sangkot sa bentahan ng shabu. Nagsasagawa na nang malalimang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

BANGENGE

BRGY

DINALA

ISLA PUTING BATO

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

ROLANDO ROQUE

SITIO PULO

TEOFILO PANLILIO

VARONA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with