^

Metro

Kotse vs pader: 2 todas

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi makaraang sumadsad at sumalpok ang sinasakyan nilang kotse sa isang nakaparadang jeepney bago tuluyang bumangga sa pader ng isang bangko sa lungsod Quezon kahapon ng ma­daling-araw.

Ayon sa ulat ni SPO2 Jun Cuaresma ng Traffic Sector 1 ng Quezon City Police, nakilala ang isa sa nasawi na si Michael Angelo Sy, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasama nitong nasawi na sinasabing nasa edad na 20-25 anyos.

Sinabi ni Cuaresma, na­tukoy ang pagkakakilanlan ni Sy sa nakuhang identification card sa sasakyan. Ito ay clerk sa Department of Transportation and Communication-Philip­pine National Railways. Gayunman, aalamin pa umano ni Cuaresma kung positibong ito ang pangalan ng biktima.

Nangyari ang aksidente sa harap ng Bank of the Phi­lip­pine Island (BPI) na mata­tagpuan sa kahabaan ng Quezon Avenue, Brgy. West Triangle ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Sinasabing sakay ng isang Honda Civic (TER-520) ang mga biktima kung saan minamaneho ito ni Sy nang biglang mawalan ng kontrol ang huli sa manibela.

Ilang saksi ang nagsabi na mabilis ang takbo ng nasabing sasakyan habang tinatahak ang nasabing lugar­ patungong Manila, nang biglang iwasan nito ang isang motorsiklo.

Dahil dito, nawalan ng kon­trol sa manibela ang driver­ at agad na dumiretso sa bangketa, kung saan binundol ang isang nakaparadang jeepney bago lumusot sa dalawang poste at bu­mangga sa pader ng BPI.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, wasak na wasak ang unahang bahagi ng sasakyan ng mga biktima, dahilan para maipit ang mga ito at magtamo ng matinding pinsala sa kani-kanilang mga katawan.

Dagdag ni Cuaresma, base sa pahayag ng mga rescuer pawang amoy alak ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Patuloy ang pagsisiyasat sa nasabing insidente.

vuukle comment

BANK OF THE PHI

CUARESMA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION-PHILIP

HONDA CIVIC

JUN CUARESMA

MICHAEL ANGELO SY

NATIONAL RAILWAYS

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with