^

Metro

Ice plant na nagbuga ng ammonia, lumabag - BFP

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isa umanong paglabag ang ginawa ng pangasiwaan ng ice plant nang pahintulutan nitong kumpunihin ang main valve nito noong Sabado, nang hindi inililipat ang ammonia na nakalagay dito at nagresulta sa pagka­karoon ng tagas na naka-apekto sa may daang residente sa Quezon City, ayon sa hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) kahapon.

Ayon kay Senior Superintendent Bobby Baruelo, BFP firemarshal, ang Genuino Ice Plant sa Barangay Sta. Cruz sa lungsod ay kasalukuyang nakasarado habang nagsa­sagawa ng magkasabay na imbestigasyon ukol dito.

Gayunman, giit ng opis­yal, tukoy na nila ang sanhi ng pagtagas at nanggaling umano ito sa tinatawag na “king valve” na nakakonekta sa tangke na naunang may lamang 390 kilos ng ammonia.

Dahil sa tagas, dahan-da­hang niluwagan ng mga manggagawa ang roskas para ayusin. Ito ang sanhi para ang usok ng ammonia ay lumabas.

Maalalang, isang babae ang nagkasakit habang may 256 na residente ang inilikas sa kanilang tahanan bunga ng pagtagas ng nakakasulasok na amoy ng naturang kemikal.  

AYON

BARANGAY STA

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CRUZ

DAHIL

GENUINO ICE PLANT

ISA

QUEZON CITY

SENIOR SUPERINTENDENT BOBBY BARUELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with