^

Metro

Testigo nilikida

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Paghihiganti ang nakitang dahilan sa pagpatay sa 21-anyos na lalaki kaugnay sa pagtestigo nito sa kasong murder laban sa kapatid ng suspect sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon. Na­isugod pa sa Gat Andres Bo­nifacio Memorial Me­dical Cen­ ter subalit binawian agad ng buhay ang biktimang si Joel Salceda, residente  ng no. 801 Area A. Gate 3 Parola compound, Tondo dahil sa tinamong saksak sa dibdib at tagiliran.

Tumakas naman ang  suspect na si Marvin Cruz, ng Area A. Gate 3 Parola compound, Tondo. Sa ulat ni PO3 Rodelio Lingcong ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa 794 Area A. Gate 3 Parola compound. Nabatid na ang suspect at isang Henry Cajipe, ay nag-iinuman nang madaanan ng biktima at maki­sali ito sa inuman. Ilang tagay muna ang ginawa ng biktima bago ito umalis upang kumuha umano ng pulutan. 

Lingid umano sa kaalaman ng biktima na sinusundan siya ng suspect, na na­ga­wang magsabi pa sa kaibigan na bibili lamang ng ice cubes, subalit tiniyempuhan lamang ang biktima sa daan upang saksakin. Ayon sa pulisya, may tatlong taon na ang nakalipas nang tumestigo umano ang bik­tima laban sa kapatid ng suspect na sangkot sa kasong murder.

vuukle comment

AREA A

GAT ANDRES BO

HENRY CAJIPE

JOEL SALCEDA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARVIN CRUZ

MEMORIAL ME

PAROLA

PAROLA COMPOUND

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with