MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang kagawad ng Northern Police District (NPD) nang aksidente umanong pumutok ang sariling baril habang inilalagay sa ilalim ng unan sa loob ng kanilang tahanan sa Parola Compound, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Butas ang bungo ng biktimang si PO2 Elden Peralta, ng Caloocan Police-Sub Station 4 at residente ng no. 168 Area-C Gate 54, Parola Compound Tondo sanhi ng tama ng bala ng kanyang service firearm na .9mm caliber Beretta sa kaliwang sentido.
Sa ulat ni SPO3 Rodel Be nitez ng Manila Police District-Homicide Section, papatulog na ang biktima dakong alas-1:40 ng madaling araw nang makarinig ng putok ng baril ang kaniyang lola na si Epifania Peralta, at nakitang duguang walang buhay ang apo sa sofa.
Nabatid na may 10 minuto pa lamang na dumating ang biktima at dumiretso umano ito sa ikalawang palapag ng bahay upang magpalit ng damit at nang bumaba ay dumaan sa kuwarto ng kapatid na si Donna upang alamin ang kakailanganin sa mga ipamimiling paninda sa kanilang tindahan, bago nagpasiyang humiga na sa sofa.
Nasa itaas umano ng bahay ang lola nang marinig ang putok kaya agad na bu maba at nakita ang tumutulong dugo sa sentido ng biktima kaya humingi ng saklolo sa mga kapitbahay na nagsugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center (GABMC) subalit idineklarang patay.