^

Metro

2,000 naapektuhansa sumabog na ice plant

- Angie­ dela Cruz - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Umaabot sa 2,000 residente ang naapektuhan matapos makalanghap ng ammonia mula sa su­mabog na planta ng yelo sa Brgy. Sta. Cruz, Quezon City ka­hapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Ma­sambong PNP Station 2 ng QCPD, dakong alas-10:30 ng umaga nang su­mabog ang valve ng ammonia­ sa compound ng Genuino Ice plant sa panulukan ng Moran at Gen. Lim Streets.

Napilitang maglabasan sa kani-kanilang bahay ang 2,000 residente dahil sa pananakit ng dibdib at pagkahilo sa masamang amoy ng kemikal na nagmula sa nasabing planta.

Ayon kay Sanchez, umaabot sa 300 kabataan ang isinugod sa ospital habang ang 30 bata naman ay dinala sa bisinidad ng drug store kung saan sila pinahiga sa labas at inayudahan.

Lumilitaw sa imbes­tigasyon na inaayos ng meka­nikong si Eduardo Sison ang check valve ng ammonia nang biglang bumigay ito at nagbuga ng malakas na pressure.

Hindi naman na­apek­tuhan ang mga mag-aaral­ sa PMI Colleges sa Roose­velt Ave. na may ilang metro­ ang layo sa ice plant.

vuukle comment

AYON

BRGY

CRUZ

EDUARDO SISON

GENUINO ICE

LIM STREETS

PEDRO SANCHEZ

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with