16-anyos lasog sa truck

MANILA, Philippines - Patay ang isang 16-anyos na dala­gita nang mabundol at ma­gulungan ang ulo nito ng isang truck kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng grabeng pin­sala sa ulo ang bikti­mang si Irish Jane Mariano­, ng Brgy. 208 Zone 19, District 2 Tondo,­ Manila.

Nasa kustodya na ng Calo­ocan City Traffic Enforcement Unit ang suspek na si Edgar Barcellano, 43, ng Tamba­can St., R-4 Maypajo, driver ng Isuzu Truck (UPU-561).

Naganap ang insi­dente dakong alas-9:30 sa kahabaan ng Rizal Avenue Ext., 2nd Ave­nue, Caloocan City.

Nabatid na patawid ang biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang itong bundulin ng truck na minamaneho ng suspek.

Sa lakas ng pagka­ka­bundol ay tumilapon ang biktima hanggang sa magulungan pa ang ulo nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Agad namang su­muko ang suspek sa mga pulis.  

Show comments