^

Metro

Road rage suspect ng 2 katao sa QC, tugis

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad laban sa tumakas na gunman na namaril sa dalawang katao dahil lamang sa away trapiko sa lungsod Quezon kamakalawa.

Ayon kay Supt. Michael Macapagal, hepe ng Quezon City Police District-Station 9, patuloy pa rin ang panganga­lap nila ng impormasyon laban sa nasabing suspect dahil ang nakuha nilang re­gistration records ay hindi updated, bunsod ng nakalistang may-ari ng sasak­yan na ginamit ng suspect ay hindi na siya ang nagmamay-ari ngayon.

Nagtungo ang tropa ng QCPD sa Makati City ang na­diskubre nilang bahay ni Diosdado Picar, ang pa­ngalan ng naunang binanggit bilang nasa listahan ng may-ari ng van na ginamit ng road rage suspect ay wala sa bansa dahil nagtatrabaho na ito sa abroad kung saan sinabi ng asawa nito na ang puting Mitsubishi L300 van (UTA-657) ay naibenta na nila noong pang 2000.

Sinabi rin ng opisyal, tini­tingnan pa rin nila ang iba pang rekords mula sa Land Transportation Office, lalo na kung ang sasakyan ay napa-rehistro na matapos na ibenta ito noong 2000.

Magugunitang biktima ng pamamaril ng suspect sina   Marlon Cabuñag, 39, tricycle driver na nakaengkuwentro ng suspect matapos ang iri­ngan sa trapiko at si Carlo Kyle Cuntapay, 13, ay na­damay lamang sa pamamaril ng suspect.

AYON

CARLO KYLE CUNTAPAY

DIOSDADO PICAR

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAGUGUNITANG

MAKATI CITY

MARLON CABU

MICHAEL MACAPAGAL

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with