Rider lasog sa SUV

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan ng isang delivery crew nang mabundol ang mi­­na­maneho ni­yang mo­torsiklo ng isang Honda CRV sa lung­sod Quezon ka­ha­pon ng madaling-araw.

Sa ulat ng District Traffic Enforcement Unit ng Quezon City Police, nasawi si Paolo Phyllis, 39, bi­na­ta ng no. 62 Artillary St., Brgy. Holy Spirit habang nahaharap na­man sa kasong reck­less imprudence resulting in damage to property with homicide si Bonifacio Gal, 21, nagmamaneho ng Honda CRV wagon na may plakang WRH-925.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may Zabarte Road, harap ng Diamond Subdivision, Brgy. Ka­li­gayahan Novaliches ganap na alas-3:30 ng madaling-araw.

Sinasabing sakay ng Lucky Star motorcycle (9685-PL) ang biktima at tinatahak ang na­sa­bing lugar nang aksi­denteng mabundol ito ni Gal.

Sa lakas ng impact, humiwalay sa kanyang motorsiklo ang biktima saka tumilapon sa bang­keta sanhi para magtamo ito ng ma­tinding pin­sa­la sa buong katawan.

Show comments