^

Metro

2 holdaper na pumaslang sa call center agent, tiklo

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District ang dalawang holdaper na pumaslang at naghulog sa isang bus sa isang call center agent nitong nakaraang buwan sa lungsod.

Sina Jayson Mon­toya, 20, at Dyerald Na­via, 18, kapwa residente ng Brgy. Batasan sa lung­sod ay personal na ki­nilala ng mga tes­tigo na humoldap at su­maksak sa call center agent na si Juan Paolo Arizala, 28, binata ng no. 41-A Road, Brgy. Bahay Toro, Project 8 sa lungsod.

Maaalalang si Arizala ay natagpuang duguan matapos na ihulog sa Don Mariano bus sa harap ng PTT gas sta­tion sa Edsa, Ve­te­rans Village ganap na ala-1:30 ng madaling-araw noong Mayo 19.

Isang concerned citi­zen sa gas station ang lumapit sa biktima, para tulungan pero dumating ang mga suspect na ang isa ay may hawak ng pa­talim at nilapitan ang biktima, bago kinuha ang gamit nito tulad ng Sony Erickson Experia (P15,000) at wallet na may lamang (P15,000) saka nagsipagtakas.

Samantala, maka­ li­pas ang ilang linggo, nadakip ang mga sus­pect matapos na mais­­patan ng isang testigo habang papasakay na naman ng Don Mariano Bus sa may Congressional Avenue, dahilan para ipagbigay alam ito sa himpilan ng pulisya ganap na ala-1 ng ma­daling-araw.

Agad na rumisponde ang mga awtoridad at naaresto ang mga sus­pect sa nasabing lu­gar.

Hinala ni SPO1 Joel Gagaza, posibleng may kaugnayan ang bus sa operasyon ng mga suspect dahil madalas na dito sila nagsasagawa ng kanilang iligal na operasyon.

Todo tanggi naman ang mga suspect sa pa­­ratang laban sa ka­nila, habang nakapiit sa himpilan ng District In­vestigation Division ng QCPD sa Camp Kari­ngal.

A ROAD

BAHAY TORO

BRGY

CAMP KARI

CONGRESSIONAL AVENUE

DISTRICT IN

DON MARIANO

DON MARIANO BUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with